Tuesday, February 16, 2010

Nasaan ang upuan ko?

Yan ang tanong ko agad kanina pagdating ko sa office. Pasado alas nuwebe na ako nakarating dahil sa sobrang trapik sa C5 (dun madalas dumadaan yung shuttle na sinasakyan ko mula masinag) at pagdating ko sa area ko sa 5th floor ng KPMG Center namputza! Wala na naman ang upuan ko. Bad trip na nga sa trapik bad trip pa rin pagdating sa office. Thirty minutes akong naghanap ng upuan, pumunta na ako sa 6th floor at sa 4th floor pero wala talaga. Hello! Ang dami kong deadline today! Sa sobrang inis ko, bigla akong nag-sick leave at heto ako ngayon sa isang computer cafe. Eh ano pa bang aasahan ko, maraming tao sa office ngayon – slack season na…”raw”.


Kung slack season na, bakit sobrang busy pa rin ako? Imagine ang haba haba pa rin ng “To do list” ko! Samantalang yung iba, pa-friendster friendster at meebo na lang. Hay naku! Siguro nga, swertehan lang din ang career sa audit. Kung swerte ka sa mga clients mo at sa mga boss mo, malamang magtatagal ka at baka maging managing partner or CEO ka pa ng firm na yan after 10 – 15 years. Pero kung katulad kita na sobrang pasaway ang mga kliyente at mga boss, malamang nag-iisip ka na rin mag-resign ngayon.


Speaking of audit, maraming maraming salamat sa mga tumulong saken para matapos lahat ng year-end statutory accounts ko. Sa mga naging staff ko, co-seniors (lalo na kina betsy, leo, abie, fredo, Vivian at macris), mga matitinong managers at mga partners (specifically to my idol, JTV) – maraming salamat po sa inyong lahat.


Pati sa mga bwisit kong mga kliyente na hindi nagpatulog sa akin for almost three consecutive weeks, MARAMING SALAMAT SA PAGBIBIGAY NG STRESS, HIGH BLOOD AT CHOLESTEROL! Dalawa lang ang pakiusap ko as inyo – pwede ba bilis-bilisan nyo naman ang pagbibigay ng mga audit requirements, hindi yung April 13 na may adjustment pa rin kayo. Wag na rin kayo mag-window dress sa pamamagitan ng sangkatutak at last minute na CAJE ha!. Isa pa, sa tinatgal tagal ninyo sa posisyon nyo jan sa mga kumpanya ninyo dapat alam nyo na kung paano mag tax computation at gumawa ng FS. Bakit ko sinasabi ito? Simple lang, di kasi naming responsibilidad yan. Auditor po kami at hindi FS at ITR preparer.


At sa manager kong sobrang nagpahirap saken at halos ituring akong incompetent, eto ang gusto kong sabihin sayo “Respect begets respect. Period!”.


Although nanghihinayang ako kasi I love my work as auditor. I constantly learn, I’m abreast with the latest pronouncements and issues at higit sa lahat, kakaibang feeling kapag natapos successfully yung audit engagement mo at natulungan mo ang mga kumpanyang hawak mo sa mga statutory requirements nila, mga issues at deficiencies ng accounting and internal control system nila. Kapag nagsalita ka, nakikinig sila and they take your recommendation with the highest value.


Sabi nga ng “mine” ko, the job fits me and I fit to the job. I agree naman. Siguro di lang ako fit sa sistema at sa company as a whole. Lipat ng firm? Well, pinag-iisipan ko rin yan. Pero I’m sure, ganun din ang sistema. May konting modifications lang dahil sa organizational setting.


Pero di pa rin nagfe-fade ang dream ko na maging Partner. At naniniwala pa rin ako na matutupad ko pa rin yun.

Di ko talaga akalaing magagawa ko ang ginawa ko ngayong araw na ito. I believe this is a clear manifestation of what I really feel now. I’m sick and tired of getting up every morning to report to work that slowly kills me, pays me a meager salary, and continuously robs my quality time with my family.

Sa tingin ko, dapat nakong maghanap ng ibang upuan.

No comments: