Monday, December 5, 2011

Upuan at Kamangmangan


CSR project na naman ang inatupag ko kanina. Pero sa pagkakataong ito, medyo sosyalin ang dating. Ikaw ba naman ang gumastos nang malaki para sa isang tiket ng isang dulaang pagtatanghal sa isang primerang estalisyimento, casino, pugad ng mga sosyalero’t sosyalera, artista o kung anupamang maitatawag doon. Masaya naman. Magagaling ang mga artista gayundin ang paglalapat ng musika (Manila Philharmonic Orchestra ba naman eh). At ang bida, binigyan naman ng hustisya ang role na ginampanan. Yun nga lang, medyo nakakagutom sa sobrang tagal. Kaya pagkatapos, tinungo ko na ang kainan ni Ibarra sa labas at pinatikim ko ang aking dila ng mga putahe ni Maria Clara.

Pero hindi tungkol sa CSR, o sa palabas, o sa kung anong kinain kong putahe ni Maria Clara bilang hapunan ang pakay ko ngayon. Tungkol ito sa kamangmangan.

Layunin ng CSR project namin ang makapagbigay ng mga upuan sa mga beneficiary public schools nito. Madali akong nakaka-relate dahil produkto rin ako ng isang public school system mula elementarya hanggang hayskul. Makailang beses na bang nabutas ang pantalon ko noon dahil sa sira-sirang upuan na may mga nakausling pako na kung minalas-malas pa ay wala pang armrest o kung meron man, kailangan ko munang kiskisin ng papel de liha para mabura ang sandamakmak na “flames”, cp numbers, drawings, kodigo at kung anu-ano pang uri ng bandalismo. Maswerte pa ako sa lagay na yan dahil nasa pilot class naman ako lagi kaya medyo bago ang mga upuan namin at di kami crowded sa section. Salamat sa mga nag-donate na taumbayan (inuulit ko, TAUMBAYAN, at hindi si mayor, congressman, governor!) na nagbabayad ng buwis.

Balik tayo sa kamangmangan. Nakakatulong naman talaga sa pag-aaral ang pagkakaroon ng magagandang pasilidad sa mga paaralan. Good facilities promote fun and comfortable learning. Sabi nga ni BF dati “Kapag ang Metro Gwapo, Tao Ganado” na ibig sabihin, maaaring dahilan ng katamaran mo sa trabaho ay ang pangit mong boss.

Pero may tanong lang ako, mako-compensate kaya ng pagkakaroon ng upuan, maayos na silid-aralan, at kumpletong mga pasilidad ang bumababang kalidad ng edukasyon natin?

Paano ang mga guro at ang kurikulum? Ito ang mga maituturing na “essentials” ng edukasyon. Kahit gaano pa kaganda ang mga pasilidad, kung mismong ang mga pinag-aaralan ay walang laman, walang sapat na edukasyong matutunghayan. “Substance over form” sigaw nung classmate ko dati noong Accounting 1&2.

Pero may substance nga ba? Halika tingnan natin kung may substance nga. Subaybayan natin ang isang buong araw ni “Jolina”.

Gigising siya sa umaga (syempre, alangan namang tanghali haler!), maliligo, magaayos ng sarili, mag-aalmusal at pagkatapos ay papasok na sa iskwela. Pagdating sa iskwela, late ang teacher nila ng mga 30 minuto. Nung dumating, may inilabas na Tupperware box na naglalaman ng mga kakainin tulad ng yema, boy bawang, espasol, at kapag may puhunan, tocino at longganisa. Bibigyan niya ng extra points ang mga bibili ng tinda niya. Kaya si Jolina, hala sige, bili na! Matatapos ang klase nila na sila Jolina ang nagtuturo este “nagrereport” kuno sa harapan ng leksyon na dapat sana’y sila ang tuturuan. Pero hayun si teacher, nasa likod, ka-text si manong hardinero. Ubos na yata talaga ang chalk allowance niya dahil di na siya nagsusulat sa pisara.

Recess na. Pila sila sa kantina para bumili ng makakain. Pizza pie na inaamag na; sopas, mami at champorado na mukhang pangatlong init na; at siopao na may tuldok sa taas pero walang laman sa loob. Si Jolina, di na kumain, busog na siya sa yema, espasol at kutsinta ng teacher kaya di na siya kumakain. Kasama na lang niya si Marvin – ang varsity ng basketball na boyfriend niya. May binulong si Marvin na ikinakilig ni Jolina.

Dumaan ang mga klase nila – Math, English, Science at Social Studies. Masipag magsulat si Jolina kaya sulat lang siya nang sulat sa notebook niyang “Star Circle”. Pero mas iniintindi pa niya kung paano kaya niya magagaya ang idol niya na nasa notebook cover niya na si KC Concepcion kesa sa mga lessons na isinulat niya. Pagdating tuloy ng exam, nangangabisado na lang siya.

Pag-uwi sa bahay, nood agad ng TV korenavola habang ka-text si Marvin. “e0w f3oWh” sagot naman ng kumag sa kanya. Di pa nakuntento nagbukas ng Facebook at Twitter. Nag-update ng mahabang status sa FB na ang sabi “Haaayzz” sabay post ng bagong picture na naka-pout ang lips at nakangiti. (ang labo mo ‘teh!)

Nagtataka lang ako kung bakit ganoon si Jolina. Nalaman ko na lang, lasenggero pala ang ama at sugarol at tsismosa ang ina (what a combination?) na ang tanging bilin lang sa kanya ay “Mag-asawa ka ng mayaman wag kang tutulad sa akin na nakapangasawa ng walang kwenta mong ama”.

Di nagtagal, sa kakahanap ng sense of belonginess at caring, si Jolina, biglang napa-barkada, laging si Marvin ang kasama hanggang isang araw, nalaman na lang ng buong campus na siya ay buntis na. Wala na tuloy umuupo sa bagong upuan na dating inuupuan niya.
***
Kamangmangan. Yan ang sugat ng ating lipunan. Isang sugat di pa naghihilom bagkus, lalong lumalala. Na habang tumatagal, nagkakaroon ng impeksyon at nakakahawa. Sa katunayan, ang impeksyong ito ay laganap na at unti-unti tayong binubulag at pinapahina.

So ano nga ba ang solusyon? May naiisip ka ba? Kasi wala akong maisip. At kung mag-iisip man ako at magsasabi ng solusyon, may makakaintindi pa kaya. Lalo na sa lipunan natin ngayon, di mo na mawari kung sino ang tunay na mangmang at nagmamang-maangan lamang.

1 comment:

osman said...

Kumusta kayong lahat,
Ang pangalan ko ay Mr, Rugare Sim. Nakatira ako sa Holland at masaya akong tao ngayon? at sinabi ko sa sarili ko na ang sinumang nagpapahiram na nagligtas sa akin at sa aking pamilya mula sa aming mahirap na sitwasyon, ire-refer ko ang sinumang tao na naghahanap ng pautang sa kanya, binigyan niya ako ng kaligayahan at ang aking pamilya, ako ay nangangailangan ng pautang ng € 300,000.00 para masimulan ang buhay ko dahil ako ay nag-iisang Ama na may 2 anak nakilala ko itong tapat at natatakot sa Allah na lalaking nagpapautang na tumutulong sa akin sa pautang na €300,000.00, siya ay isang taong may takot sa Allah, kung kailangan mo ng pautang at babayaran mo ang utang mangyaring makipag-ugnayan sa kanya sabihin sa kanya na (Mr, Rugare Sim) i-refer ka sa kanya. Makipag-ugnayan kay Mr, Mohamed Careen sa pamamagitan ng email: (arabloanfirmserves@gmail.com)


FORM NG IMPORMASYON SA PAG-AAPLIKASI NG LOAN
Pangalan......
Gitnang pangalan.....
2) Kasarian:.........
3) Halaga ng Pautang na Kailangan:.........
4) Tagal ng Loan:.........
5) Bansa:.........
6) Address ng Bahay:.........
7) Numero ng Mobile:.........
8) Email address..........
9) Buwanang Kita:.....................
10) Trabaho:..........................
11) Aling site ang ginawa mo dito tungkol sa amin.....................
Salamat at Best Regards.
Mag-email sa arabloanfirmserves@gmail.com