Enero 5, 2011, bandang 7:30 ng gabi – habang hinihintay ko mag-red ang stoplight para makatawid ako ng Shaw Blvd. patungong San Miguel Avenue, napansin ko na may matandang nakaupo sa tabi ng poste ng Meralco dalawang hakbang ang layo mula sa kinatatayuan kong sidewalk sa tapat ng BPI Sheridan Branch. Sa sulok ng aking paningin, nakita ko siyang tumayo at unti-unting lumapit sa akin. Mahaba ang kanyang puting balbas. Suot niya ay maputik, patung-patong na damit na sa pinakaibabaw ay kulay dilaw na sweat shirt. Marumi rin ang kanyang pantalon na sinusuportahan ng sirang belt at isang sumbrebrong tila napulot lang niya noong araw ng pasko mula sa mga stuff toys. May bitbit siyang sira-sirang bag at payong na kulay blue.
Di maitatangging mukha siyang ermitanyo o pulubi.
Nang makalapit na siya sa akin, akala ko’y mamalimos siya. “Pwede ba magtanong?”, wika niya. Sa aking pandinig, sa tingin ko hindi siya taga-rito sa Maynila dahil sa punto ng kanyang pananagalog.
“Ano po yon?”, tanong ko.
“Saan ba sakayan papuntang Jenny's? Papunta ako ng DSWD sa Cainta kapitolyo. Sabi sakin sa Quiapo may jeep papunta sa Cainta kapitolyo”, paliwanag niya sa akin.
“Sa Cainta Municipal Hall po ba? Doon po ang sakayan nun”, itinuro ko ang direksyon kung saan may mga bus na dumadaan patungong Cainta. Nung makita niyang malayo ang aking tinuturo, tila nanghina siya. Tinanong ko siya ulit, “Taga-saan po kayo ‘tay?”
“Bohol”, sagot niya
“Bakit po kayo nandito sa Maynila?”, usisa ko.
“Nilalakad ko ang retirement pension ko. Punta ko DSWD makahingi man lamang pampagamot. Kay..may sakit ako anak. Almoranas. Masakit”, paliwanag niya. Naalala ko bigla ang nanay ni Boss ko na namatay sa sakit na colo-rectal cancer. Nagsimula lang daw yun sa almoranas. Sa tingin ko sa matandang kaharap ko, mukhang malubha na ang lagay niya. Na-curious ako sa sinasabi niyang retirement o pension kaya…
“Ano pong trabaho nyo dati?”, tanong ko
“Principal ako sa isang elementary school sa Bohol noon. Ikaw? Saan ka nag-trabaho?”, sagot niya sa akin. Ang tagal ko bago makasagot. Bigla kasi akong namangha. Principal! Isang guro ang kaharap ko.
“Accountant po ako. Dyan po ako nagtatrabaho”, sabay turo sa direksyon patungong United Street.
“Accountant?! CPA ka?” usisa niya.
“Opo”, sagot ko.
“Wow! Malaki ang sweldo mo. CPA eh. Laki yan”, nakangiti siya sa akin.
“’Ah hindi naman ‘tay. Sapat lang din. ‘Tay, gabi na po. Sarado na po ang DSWD o ang Cainta kapitolyo. May matutuluyan po ba kayo dito?”
“Pwede ako sa francia. Cogeo”. Malapit lang sa inuuwian ko sa Cogeo ang lugar na yon. Atubili akong magbigay ng direksyon sa kanya dahil hindi nga niya alam ang lugar ng Maynila. May kaibigan pala siyang naninirahan sa Penafrancia. Niyaya ko siyang sumabay na lang sa akin dahil madadaanan ko naman yung lugar na yun at maaari ko pa siyang ihatid tutal mababaw pa naman ang gabi. Tumanggi siya. Wala daw siyang dalang pera. Nakangiti niyang itinanong kung magkano ang pamasahe hanggang francia. Singkwenta pesos. Napaatras siya. Saktong singkwenta lang pala ang pera niya. Tapos kinabukasan, pupunta pa siya sa Cainta at mamasahe ulit. Umupo siya. Sinundan ko siya. Sobrang naawa ako eh. Sabi ko sagot ko na pamasahe niya at bibigyan ko na rin siya ng pamasahe para bukas. Pero ayaw talaga niya dahil mas gusto na lang daw niya magpahinga na dahil iniinda niya ang sakit na nararamdaman niya.
“’Tay, huling tanong po. Gusto nyo po bang sumabay sa akin? Sa Cogeo po ako umuuwi. Ihahatid ko po kayo sa francia”, tanong ko. Tumanggi pa rin siya. Tinuro nya ang direksyon papuntang Starmall. May waiting shed naman daw sa malapit sa overpass sa banda na yun at doon na lang siya matutulog. Desidido talaga siya na doon na lamang.
Kaya’t nagdesisyon na akong umalis. Pero bago ako umalis, may isiniksik ako sa palad niya na magagamit niyang pamasahe at pambili pangkain na rin. Nagpaalam na ako.
“Sandali lang. Anong pangalan mo?”, tanong niya sa akin.
“Jay po. Jay Olos po”, pakilala ko.
“Ah Deng… Deng Olos. Salamat… pagpapalain ka ni Hesus. Di kita kakalimutan Deng Olos”, kimi ngunit nakangiti niyang sambit sa akin.
“Jay po. J-A-Y. Jay Olos. Kayo po ‘tay, ano pong pangalan nyo”, pagtutuwid ko sa aking pangalan. Napag-alaman kong mahina na rin ang pandinig niya. Bago siya nakasagot, inipinakita niya sa akin ang kanyang Senior Citizens ID na suot suot niya.
“Peter Pelegrino”
Nag-red ang stoplight. Tumigil ang mga dumaraang sasakyan at tumawid ako patungo sa kanto ng Lourdes School. Habang nilalakad ko ang San Miguel Ave. sa tapat ng One San Miguel Avenue building, bigla kong naramdaman ang kirot sa kaliwang paa ko na sanhi ng cramps ko kanina habang nasa gym ako. Naisip ko, wala pa ang sakit na to kumpara sa sakit na iniinda ni Lolo Peter. Nasa isip ko pa rin siya habang naglalakad ako. Isang retired teacher at principal mula sa Bohol. Naglalakad ng retirement benefits niya sa Maynila. Walang pera. Walang matutuluyan. Edukadong pulubi. Nanghihina. Naisip ko na hindi pa rin sasapat ang binigay ko sa kanya. Paano ko masisigurong ibibili niya ng pagkain yon? Baka kasi ipunin lang niya para sa pamasahe niya. Hindi! Narararamdaman ko na kelangan niya ng higit na tulong.
Nang mapalingon ako sa kanan, natanaw ko ang Jollibee Hanston Square branch. Nakaramdam ako ng gutom. Simula na kasi ng diet at exercise ko nung araw na yun. Naisip ko si Lolo Peter. Di pa rin siya kumakain. Nagdesisyon ako – kakain kami! Dali-dali akong bumalik sa kinaroroonan niya. Natagpuan ko siyang nakaupo at nakayuko na tila hapung-hapo sa maghapong paglalakad at pagtitiis ng gutom. Naawa ako sa aking nakita. Nag-withdaw ako sa ATM. Dadagdagan ko ang ibinigay ko sa kanya para maging sapat na para makasakay siya ng barko pauwi sa Bohol.
“’Tay, halika kain tayo,” bungad ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa balikat. Nahihiya siyang napangiti.
“Saan tayo kakain”, tanong niya.
“Diyan na lang sa Jollibee”, sagot ko.
“Jollibee!”, animo’y isang bata siya sa kanyang reaksyon. Bumabalik na rin pala siya sa pagkabata. Inakay ko siya patawid at tinungo naming ang Jollibee Hanston. Inaalalayan ko siya. Mabagal siya maglakad. Halatang may iniindang masakit sa isang parte ng katawan. Pinagtitinginan na kami ng mga tao na may iba-ibang reaksyon. May mga nandidiri pa sa nadadaanan namin pero wala akong pakialam sa kanila. Mas tao ko pang maituturing ang kasama kong kakain ngayong gabi.
Walang masama sa pagtulong. Pagkakataon ko ito para masuklian ang mga itinuro sa akin ng aking mga naging guro na pinagkakautangan ko ng lahat ng nalalaman ko ngayon. Si Lolo Peter ay isang guro. Ang gagawin kong ito ay isa lamang pagtanaw ng utang na loob. Pagkat noong ako’y uhaw at gutom sa karunungan, silang mga guro ang bumusog sa akin. Ngayon, isa na akong propesyunal na may nakilalang isang gurong nagugutom at nangangailangan ng tulong. Bilang ganti, siya naman ang bubusugin ko.
One-piece fried chicken with rice, pineapple juice at peach mango pie. Habang kumakain kami, napansin kong di niya masyadong kinain ang fried chicken. Panay ang inom niya ng pineapple juice. Ibabaon na lang daw niya iyon para may makain pa rin siya bukas. Biglang nanahimik ang mga maiingay na call center agents na nasa katabing table nang marinig nila ang sinabi niyang yon.
Marami kaming napagkwentuhan. Siya si Peter Pelegrino. Tubong Mabini, Bohol. Dating school principal. BS in Elementary Education graduate mula sa Divine Word College sa Tagbilaran at may Master’s degree pa sa Filipino. Kaya naman pala magaling siyang managalog. 70-anyos. May isang anak na nasa Bohol. Dumating sa Maynila noong March 2010 upang lakarin ang nausyaming retirement benefits na pinangako ng mga nakaraang pamahalaan. Nag-file ng candidacy para sa pagka-Pangulo noong nakaraang eleksyon at isa sa mga idineklarang nuisance candidates. Fluent mag-English. Magaling ang diction niya. Relihiyoso. Masayahin. Positibo ang pananaw sa buhay. Mabait. Simple. “Ang swerte ng mapapangasawa iho. Gwapo, macho, maputi. May pusong ginto. Siguradong maraming magkakagustong babae sayo”… Bolero rin pala siya. Hahaha!
Nagtawanan kami. Subalit sa loob ko’y nahahabag ako. Habang iniikot-ikot ko ang tinidor sa spaghetti na kinakain ko, unti-unting namamasa ang mga mata ko. Bakit ba kelangang maghirap ng mga taong tulad niya na ginugol ang buhay sa paghubog ng mga bagong henerasyon? Nasaan ang mga pangako ng mga nagdaang administrasyon?
Sana lahat ng tao tulad niya. Humanga ako sa kanyang pagiging positibo. Kahit na naghihirap na siya at tila pulubing natutulog kung saan-saan sa mga lansangan ng Maynila, naniniwala pa rin siya na matatapuan rin niya ang hinahanap niya. Kahit na unti-unti ay itinutulak na siya ng kanyang karamdaman patungo sa kanyang dapit-hapon. Sabi niya “God did not create death. There is no death. If man chooses to be kind and righteous, his name will be forever written in the book of life”. Humanga ako talaga.
“Hindi lahat ay katulad mo. Ang ibang tao, masyadong mataas ang tingin sa sarili dahil sa nakatapos sila at may mga magagandang trabaho kaya di ka pinapansin. Jay, nakasulat na sa aklat ng buhay ang pangalan mo. Mabuti kang tao. Hinipo ka ng Diyos para tulungan ako. Pagpapalain ka Niya”, nakatitig siya sa aking mga mata habang sinasabi niya ang mga salitang ito na hindi ko makakalimutan. Ayokong maramdaman niya na naiiyak ako. Kaya’t inilabas ko na lang ang cellphone ko at piniktyuran ko ang aming mga sarili.

Naghiwalay na kami. Habang naglalakad ako, panay ang panalangin ko sa Diyos na sana ay ‘wag niyang pababayaan si Peter at ang mga tulad niya. Sana ay pahalagahan ng mga tao ang mga tulad niya. Sana imbis na sa kung anu-anong walang katuturang paggastos inilalaan ng mga tao ang mga yaman nila, maglaan na lamang sila para sa pagtulong sa mga tulad ni Peter na nangangailangan.
At sana kapag naabot ko na ang aking pangarap, mahanap ko pa rin siya upang tuparin ang kanyang munting kahilingan.
43 comments:
I love your story...teary eye after ko nabasa..you made a big impact in Lolo Peter's life...Thanks for sharing it.
You're the man!!!
Your not just a very good writer, you're a wonderful person. Keep it up bro. Jay.
Amidst the hustle and bustle of life....there are opportunities like this that really test your values and character. You have been brought up really well Jay. Proud of you bro!
:) galing! five thumbs up!!! (dalawa sakin, kay ano at isa sa teddy bear)
Hi,Jay.
Its overwhelming.. Bilib ako sau, Jay... --Jhomay
You really do have a good heart jay... Not all people will do the same thing you've done.. even me.. una palang baka inignore ko na si lolo peter... You just made us realize that not everything we have in life will fulfill what you are finding for, there are simple things like this that you really felt the fulfillment.. yung tipong what word to say.. PRICELESS ANG FEELING...
kakaiyak! you really made him happy jay. :) di ka nyan makakalimutan for sure. May our dear God continue to bless Lolo Peter and sana makauwi xa sa Bohol safe and sound. =) ur a good samaritan indeed. keep it up. :)
like it bro!! It's such a wonderful and inspiring story. Don't worry susuportahan din kita pag ikaw tumakbong presidente.. ^_^
Astig Bro, kakaiyak ka .. hehe ,, may God bless you and Peter .. wat a wonderful experience you have .
jay ur the man!!!! of all people along shaw...(naku kung ako kya makakita kay lolo??)thank God at ikaw nakakita sa knya...u have a kind heart.. kya God will always bless you...very inspirational... to lolo peter ingat po kau... ")Jay! God Bless u...
sa shaw pa rin ba sya til now? baka gusto nya uwi ng bohol..mura lng nmn ang ticket. maybe we can help him..
Jay, thanks for sharing this.. The whole time I was reading it.. I was cryin.. Thank you for inspiring us...
People say kindness is infectious... Then let us start an epidemic!
you just made me cry... God bless you and Lolo Peter... Your a kind hearted person... sana makuha nya retirement nya at mka uwi na sa bohol..
Hi Jay,
Kahit hindi kita kilala saludo ako sa'iyo sa ginagawa mong tulong kay Lolo Peter. kung ikaw ay naging akin anak proud ako sa'iyo Jay, bukas loob ang pagtulong mo at binigyan mo kahalagan at sukli kung ano ka ngayon. God bless to you Jay and to Lolo Peter, na sana makuha niya ang retirement at maayos na buhay niya pra maka-uwi para makauwi na sa bohol..
well done jay .. sana marami pangkatulad mo
good job bro. don't you worry, ang mababait na tao ay pinagpapala.isa lang ang dapat sisihin sa ating bansa,ang gobyerno na di marunong maawa sa kapwa or sa bansa di bale sisingilin din sila at pagbabayaran nila ang kasakimang kanilang ginagawa.di man lingid sa kanila ang kahiran na nararamdan ng isang mamamayan na humuhingi ng tulong para mapaayos ang buhay , at ikaw pa jay na ordinaryong mamamayan lang ang nakabasa, nakapuna ,at nakapansin sa kalagayan ni mang peter . konti lang ang hinihingi ni mang peter mga gobyernong masisiba where the hellll!!!! are you!!!!!
bro jay,
hopefully there's a lot of person like you man!!! its like my heart broken when I read this... this is how the lord test us on how is the golden is your heart and really helpful person... keep it up man!!! I salute on you of what you did...
Wow! very inspiring. I just can't keep my eyes from shedding tears after reading this one. You're one of a kind(an endangered specie!). God bless ya for being a blessing to others. Surely a thing like this may appear little for a lot but may little deeds could make a difference. Saludo ako sa'yo kuya!^_^
Jay, your a man of values and character. Im proud of you. Your humble beginnings will shine through ahead of our time. Continue to touch others' lives thru your out-of-the-box stories. John Leif Guiruela
Very well said Jay, very well said...^_^
awww.. you made me cry! pero kuya Jay super thumbs up! Thank you sa pagtulong mo kay Lolo Peter.. God Bless you., and sana maging maayos na din ang kalagayan ni Lolo Peter..
Jay.. Idol talaga kita... ilan ka lang sa mga may mabubuting puso... naiyak ako sa kinuwento mo... tama ang lahat na hindi lahat ng tao may pusong kagaya ng sayo.. kahit siguro ako, hindi ko sya mapapansin... I'm proud of you for being you.. thanks man for sharing it.. it really inspired us.. God bless you more and i will also pray for lolo peter..
You are a good person Jay!! I am proud to be your colleague! God bless you more..Continue being good!.. We'll be praying for Lolo Peter also, may he finally get his pension..
Wow! God bless you! Sana lahat ng tao kasing baiot mo... keep up the good work...
Sir Jay, pagpalain po kayo ng Maykapal. Ang naalala kong pagmamagandang-asal ko lang sa pulubi eh nung binilhan ko ng lugaw yung batang pulubi. No match po dito yun.
Ser, saludo ako sa ginawa niyo. :) Bihirang bihira na talaga ang mga Pinoy na katulad mong naglaan pa ng oras para sa isang inaakala naming pangkaraniwang pulube lamang.
:(
Salamat sa story sir.
kinilabutan ako sa istoryang nabasa ko. mabuti ka ngang tao Kuya Jay..
natanong mo ba kung bakit naging ganun ang buhay nya sa maynila? may trabaho naman pala sya noon, e bakit parang hindi sya handa? Hindi kaya nanloko lang siya? Ayaw ko mang isipin pero naguluhan kasi ako. Hehe Pero saludo ako sa ginawa mo! Napaka-buting loob.
hanggang ngayon, tumutulo pa din ang mga luha ko. masaya ako na may mga tao pa din na gaya niyo na 'di nagsasawang tumulong at magbigay ng pag-asa sa mga katulad ni lolo peter. nawa'y pagpalain kayo ni lolo peter ng panginoon.
OMG. grabe. kinikilabutan ako. naiiyak. Iba ka!
“God did not create death. There is no death. If man chooses to be kind and righteous, his name will be forever written in the book of life”.-Sir Peter.
i was speechless.. the story was just so touching.. one-of-a-kind story, indeed! kung aq kaya un, will i do the same? it just made me realize one thing.. Be humble. Even if u have all the riches, knowledge and fame in this world, u shud still put ur feet off the ground. yeah, its because we are all equal in the eyes of the Lord. d ang antas ng buhay ang nging basehan mo sa pakikitungo mo sa iyong kapwa o maski ang pisikal n kaanyuan bagkus, higit mo pang inunawa ang knyang naging kalagayan. i salute u Jay! [ka2kayo pa kita..hehe!] thnx for the heartwarming story!
very inspiring po!
So touching! I like your wonderful story! May God bless you!
thanks for sharing your nice story.,,u made me cry. hindi dahil sa awa kay lolo peter kundi sa kunting panahon na nakilala mo sya at natulongan at naipaalam mo sa buong mundo ang saluubin ni lolo peter kung bakit sya nandon sa lugar nayon.
saludo ako sayo, God bless you.
.
jay touch ako dun s storya m napaiayk ako gud bless you and lolo peter. sana dumami p k2lad m jay, kc s panahon ngaun madami n s maynila ang mga sindikato lang sna nman d gnon, khit ano p man ang gawin nya s bgay n ibinigay m s kanya god knows si jesus n lang bhala syo, thank you and GOD BLESS.
astig mo tlga sir. proud ako na nging ka batch ko ang isang tulad mo. hindi na ko mg tataka kng bkit narating mo kna anu man ang knalalagyan mo ngaun. lhat ng gnagwa ntin sa kapya ay may kpalit. pagpalain ka ng poong may kapal.
bren buenaventura
Overwhelming! Salamat sa lahat ng comments nyo :)
Jay, your story is very inspiring!! It's true that theres alot of retirees specially in the goverment who are still hoping to receive their expected retirement and pension benefits. Me also helped my father to process his pension although in SSS and i feel pity for my dad at his age to travel, walk and wait for a long line for his turn just to be accomodated and follow-up his pension kaya I do understand the situation of Lolo Peter.
I hope and I pray that Lolo Peter received his pension now para matapos narin yung kalbaryo nya and hoping he is home now together with his family.
I'm so proud of you Jay..Sometime.. lets chat again and I know though you're younger than me i will learned alot from you.:)
God Bless!!!
Ate Berns
Ang lupet mo papa Jay, you're the man! It's great to know God is using people like you to do His wonders and miracles. Keep it up kid, pati diet at pag-gym mo para maslalo maging macho, gwapo at maraming mainlove at mainspire sayo as what sir Peter said...haha! God bless always bro.
Warmest regards,
MonG
1 Chor. 10:13
moving..tnx bro for sharing the story..godbless+
randolf,osa
oh yeah couz,,, your a small guy with a BIG heart...
Ang galing mo magsulat. Namangha ako. Naiyak ako, at nainspire. Gusto ko i-back read lahat ng sinulat mo. Thumbs up. Isa akong instant fan mo. I have just recently passed this OCt 2011 CPA board exams. and I think meron na akong idol, ka generation ko pa.
Post a Comment