Blangko!
Yan ang itsura ng MS Word document na sinusulatan ko nito ngayon. Unti-unti kong sinusubukang takpan ang blangkong page na ito ng mga salitang tulad ng nababasa mo ngayon. Kapag blangko ang nakikita mo, ano ang naiisip mo? Boring ba? Gulat ka ba? Naguguluhan? O nasisilaw ka sa kaputian ng pahina na tumatambad sayo?
Kung tatanungin mo ako, ang isasagot ko sayo ay, “I feel empty”.
‘Lapit na ng pasko ‘pre! Ano bang balak mo? Bibili ka ba ng bagong sapatos, damit, Christmas tree, hamon, keso de bola? Makikipag siksikan ka rin ba sa Divisoria? O kuntento ka na sa Rustan’s ka na lang maglalamyerda? Oo nga pala, may Christmas bonus ka na! Libre naman jan pre!
Libre mo naman ako ng isang starburaks dyava cheap, pampatanggal lang ng amats ko pre. Nung isang Linggo pa raw akong mukhang lasing sabi nung barker sa Cubao. Takte kasi yang cartoon pic mania na yan sa FB. Naalala ko tuloy na mukha palang cartoons yung isang teacher ko. Naalala mo ba si Taguro sa Streetfighter? Yung kalaban ni Eugene? Oo yun nga! Tanga wala sa streetfighter yun! Nasa Ghost Fighter kaya un. Bobo mo talaga ‘dre! Paturo ka nga kay Kuya Jobert! Aligaga ka rin eh.
Peace Yo!
Sensya na dude medyo di kasi ako OK ngayon eh. Tanungin mo ko kung bakit. Sabihin mo “Bakit?” Game… 1…2…3….. Eh hindi mo naman sinasabi eh. Game na kasi. 1…2…3… $%#^&*&@
Yan! Dyan ka magaling. Kaya ka iniwan ng GF mo di ka raw kasi marunong manghula. Putek! Alam mo ba na kapag sinabi ng babae na “Ok lang” ibig sabihin nun “Oo. Gusto ko yan”. At kapag sinabi niyang “Bahala ka na nga!” ibig sabihin nun “Sundin mo ang gusto ko”. Tsk tsk… Kelangan mo talaga ng psychic powers! Bili ka pare marami na nagkalat na ganun. Samahan kita. Bili tayo Quiapo balita ko meron daw outlet dun si Hayden Kho.
Nga pala, may nanalo na ng Php 740M sa lotto. Lucky Pick pa nga pre eh. Swerte ng nanalong yun. Pasalamat siya hindi ako nakataya nung araw na un kundi may kahati siya. Kung sakaling nanalo ako, pre unang una kong bibilihin lam mo kung ano? Bibili ako ng common sense at ipamimigay ko sa lahat ng Pilipino lalo na kay Glenn. Takte na yan! Hanggang ngayon sumasakit ang bangs ko araw-araw at umaabot na hanggang eyebrows. Nakakatakot baka lumala ito at maging Bangs Cancer.
I wonder why common sense is so uncommon nowadays. Sabi ni manong drayber, dahil daw yan sa hindi nanalo ulit si Erap. Dahil kundi raw sana na-impeach si Erap at kung nanalo sana nung nakaraang eleksyon, maunlad na sana ang Pilipinas at… at… (sorry ‘pre di na nakapagsalita si manong. Di ako nakapagpigil eh. Nilunod ko ng diesel kanina habang nagpapakarga kami sa Shell).
Anyways, nakakatuwa isipin na naimbento ang Facebook. Dahil sa Facebook, nagkikita ang mga matagal nang nagkalayo. Mga dating mag-classmates, kababata, kapitbahay, ka-text, ka-sex, kabit, kakosa, kaaway, kalaro ng Chinese garter, ten twenty, shagidi shagidi shapopo, pitik-bulag, pitikan etits, pik pak boom, boom taya taya, at plak shomelin bom bom chenelyn! (Bet ni watashi wititit ma-translate lalu ng mga mudak bekimon itey).
Bakit ba hindi ako makatulog nang hindi ko nabubuksan ang FB ko? At kapag nabuksan ko naman, naiinis lang ako kasi puro games at walang katuturang apps ang nakikita ko. Tapos may mag aadd saken na di ko naman kilala. Tapos kapag hindi mo binigay ang number mo, ikaw pa ang isnabero. Tapos makikita mo ung dati mong kaibigan na kausap ka lagi, ka-PM, ka-YM, na bigla na lang tumaas ang tingin sa sarili mula noong naging cover girl ng FHM! Hindi na ako bumili ng FHM mula noon. Bakit ka bibili pa eh ang dami namang nagkalat sa internet!
Wait lang… (higop muna ng kape… kagat ng cheese muffin… nguya-nguya…lunok) Yan ok na ko. Go!
Kainis tong mga bebot na to sa Forever 21. Di man lang ako pinapansin! Tong koreanang nasa kanan ko naman sarap batukan eh parang may kung anong nakabara sa lalamunan at hindi mabigkas nang tama ang mga pangalan ng mga coffee variants habang umoorder. Kung taga North Korea lang ako malamang pinaulanan ko na ito ng missiles eh! Sakit sa bangs!
(inom muna ulit… lapit na maubos ang kape ko…)
Teka, nasa page 2 na pala ako hahaha! Hindi na blangko ang pahinang ito. Wuhooo!!! Ibig sabihin nadagdagan ng ilang kilobytes ang word file na ito at nagsayang ako ng mahigit Php 200 para sa kape at muffin. Para makatambay lang dito sa coffee shop na ito.
Para makapag sulat ng isang walang kakwentan-kwentang blog entry na ito na ngayon ay binabasa ng mga taong maaaring walang alam kung mamaya ay buhay pa ba ako… =(
7 comments:
ang lalim mo magsulat. pinaghalong bob ong at lalakeng version ni jessica zafra.
nice jay... very well said!!! ang lupet mo 'pre..
Salamat sa comments. Pwede naman magpakilala kung sino kayo. Enclosed in a parenthesis. Ganito >>> (Jay Olos)
hey....just wondering..why you feel empty..
Bakit ka nman na-depress?...
Hmmm sa nbsa ko jay prang ang gulo ...prang ang dami mo iniisip, but u cant gigure out what you really want to do... Mrami ka gusto but u cant identify which will make you happy.. Mrami kang naiisip at gustong sabihin but u dnt know how to say it.... At.. Mrami kang gustong gawin but u dnt know wer and how to start :) ....
Ang iyong tgasubaybay....itago nlng natin sa pangalang .....
Kagandahang ella ... Hehe peace!
Godbless
@Anonymous (lahat naman Anonymous eh): Nahuli ni Kagandahang Ella ang ibig kong ipahiwatig. Marami nga akong gustong sabihin at gustong gawin na hindi ko masabi at magawa dahil sa takot kong hubarin ang maskarang tumatakip sa aking mukha.
Sadyang mapanghusga ang mundo. Malawak sa pisikal ngunit makitid sa panloob na aspeto. Mahirap tuntunin ang kinaroroonan ng mga taong handang tanggapin kung sino ang tunay na ako.
Subalit, Hindi ako susuko. Naniniwala akong mahahanap ko rin sila. Silang ngingiti, magbubukas-kamay, yayakap at sa isang bulong ay magsasabi sa akin na "Dito, at home ka. Hindi ka na mag-iisa".
Post a Comment